“Siya’y malapit ko ng makasama” ni Eureka C. Bianzon

Nalalapit na ang aking pag alis Patungo sa aking tunay na minamahal Kagalakan ay nadaramang labis Pagkainip sa bawat araw na daratal Sadyang kay bait ng tadhana sa paghihintay kami na’y muling magkikita siya’y malapit ko ng makasama at hindi na iisiping muli ang magkahiwalay pa -mypenandsoul

Advertisement

NANG DAHIL SA’YO ni Eureka C. Bianzon

Nang dahil sa'yo nakalikha ako ng kanta Kahit sintunado nadarama kong mahal na mahal kita Nang dahil sa'yo nag iba ang tema ng aking tula Nabigyang buhay ito sa pagmamahal mong ipinadarama Nang dahil sa'yo napunan ng ngiti ang malungkot kong mundo Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko Nang dahil sa'yo natuto … Continue reading NANG DAHIL SA’YO ni Eureka C. Bianzon

“O kaysakit magpaalam”ni Eureka C.Bianzon

O kaysakit mag paalam sa taong minahal mo ng tunay Mundo mo'y mag iiba,mundo mo'y luluha Sapagka't sya lang ang tanging nakapagpapasaya sa iyong buhay Ni kailanman ay hindi kayang maibigay ng iba O kaysakit mag paalam sa pagmamahal na akala mo wala ng pag asa Nguni't sa kalaunan masasabi mo na meron pala Puso … Continue reading “O kaysakit magpaalam”ni Eureka C.Bianzon

“Darating ang panahon ako ay istorya nalang”ni Eureka C.Bianzon

Darating ang panahon sa larawan nalang ako makikita At sa mga tula nalang madarama Gayunman nawa'y mahawakan ko padin ang inyong pusong nagdurusa At mabigyang ngiti kahit man lang pansamantala Darating ang panahon ako ay sa tanging pangalan nalang Mababanggit at hindi na matatanaw man lang Subalit dumating man ang panahong iyon Nawa'y maiwan ko … Continue reading “Darating ang panahon ako ay istorya nalang”ni Eureka C.Bianzon

“Ibinigay mo sakin ang aral ng pagpapahalaga” ni Eureka C. Bianzon

Mga ala ala ng ating kahapon ay ginunita Mga panahong wala akong hinangad kundi ang Mapasaya kita Sa mga binanggit mo sa akin na sana ay ako nalang Puso ko'y nadudurog sapagkat ni minsan hindi kita Sinisi sa iyong mga pagkukulang   Mga kalungkutan na ibinigay mo sa'kin noon Lahat ay napalitan ng saya Sa … Continue reading “Ibinigay mo sakin ang aral ng pagpapahalaga” ni Eureka C. Bianzon