Kalendaryo

Minarkahan niya ang kanyang kalendaryo
Taon taon ay napupuno nya bawat petsa dito

Lugar na kanyang napuntahan at pupuntahan
Gayundin ang nakasamang pamilya at mga kaibigan

Ginawa niya ito simula pagkabata
Bawat kalendaryong sinusulatan ay naiipon na
Mula sa pagkadalaga hanggang mag asawa
Hanggang sa mag ka anak at mag ka apo na

Palagi niyang plano bawat bagay na gagawin
Nakamarka doon lahat ng mga bagay at habilin
Sapagkat ayaw na may makaligtaan lalo ang okasyon
Ang petsa sa kalendaryo nararapat na siya ay
Naroon

Sa pagkalipas ng panahon kanyang mga naililistang mga kaibigan ay kaunti na
Dumaragdag naman ang pag marka sa pagbisita
Sa klinika
Pakiramdam iba’t ibang lugar na tatanawin ay limitado na
Sapagkat katawang aktibo noon ay unti -unting humihina

Sa kapal ng naipong kalendaryo laman ay masasayang bagay
Mga petsa ,tao ,magagandang pook, mga ala ala na may saysay
Mga minarkahan at pinunan ng sariling mga kamay
Ala ala na mananatili hanggang sa kabilang buhay

Sa mundong ibabaw bawat galaw man ay nakaplano
Iisa lamang ang nakaka alam kung saan ito
patungo
Ang mahalaga ang mabubuting bagay na nakamarka sa ating kalendaryo
Ala alang mananatiling buhay sa mga maiiwang mga puso.

“KALENDARYO” ©️mypenandsoul
eureka robey

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s