Walang katumbas ang kalungkutang nadarama
Kapag ang mahal sa buhay ay biglang nawala
Walang paalam na masasambit para sa isa’t isa
Ang mga maiiwan na lamang ay masasayang
ala ala
Mga ngiti na sumasalubong sa kanyang mga mata
May mga kwentong hindi makakalimutan kahit kailan
Mga pagyakap at halik sa pisngi na nagmula
sa kanya
Katumbas ng bawat sandali na puno ng
Kasiyahan
Isang tiyahin na mapagmahal,isang tiyahin
Na mapag -aruga
Minahal ng lahat, lalo ng kanyang mga anak
At asawa
Isang tiyahin na palangiti at malumanay
Sa kalooban ay may busilak na taglay
Siya’y kapiling na ng May Lumikha
Hindi malilimutan ang bawat gunita
Sa atin siya ay may magandang paksa
Paalam Tiya , mahal ka namin
Hanggang sa ating muling pagkikita
©️eurekarobey