“Friendship is not over!”
written by my very talented niece Shekainah S Bianzon ( her very first poem on my website)
Nagkakilala sa iisang paaralan,nang di malaman ang dahilan.
Akala ko nung una ika’y aking kalaban, yun pala ikaw ang aking magiging kaibigan.
Kaibigan na hindi mang-iiwan, kahit saan at kahit kaylan.
Kaibigan na maaasahan,mapagsasandigan kahit pag-ibig pa ang paguusapan.
Nang tayo’y tumuntong sa ikalimang baitang, lalong tumibay ang ating pagkakaibigan.
Para bang pader na nakatayo, na di matinag tinag.
Mag-away man tayong dalawa, nagbabati rin ng maaga.
Pinakamatagal nating away na umabot hanggang pagchachat sa bahay.
Pero sa lakas ng tama ni LOVE,nagbati rin kinagabihan.
Isang araw nagkaproblema, at pinagkahiwalat ng tadhana.
Masakit man para saatin, pero kailangan itong tanggapin.
Ngunit ganun pa man, di parin nawala ang ating ugnayan.
Napalayo man sa isa’t isa,ngunit gumawa ng paraan si tadhana.
Bumawi ito sa kasalanang kanyang nagawa.
Isang araw pinagtagpo, sa lugar kung saan tayo nagsimula.
Nagyakap tayong dalawa, sa tagal ng panahong nawalay sa isa’t isa.
Ako’y nagpapasalamat at ikaw ay aking nakilala.
Sana wag mo kalimutan na ikaw sakin ay mahalaga.
Masaya ako na ikaw ang kaibigan ko.
Handa akong pagsigawan,ang pangalan mo sa buong mundo.
Malaman lang nila na ikaw ang kaibigan ko.
Kaibigan ko na totoo at minahal kung ano ako.
Nagpapasalamat ako sayo, dahil nanjan ka palagi.
Kahit pilit tayong nilalayo sa isa’t isa,ikaw parin ay namalagi.
Lagi mong tatandaan, na mamahalin kita hanggang sa aking kamatayan.
“FRIENDSHIP IS NOT OVER” sa ating dalawa
magpakailanman.
Isa ka sa pinaka-importanteng mga tao na aking nakilala….aking kaibigan.💕
A poem dedicated to “den”