Sa isang munting larawan natanaw ko ang kanyang mukha
Nitong umaga aking pag gising ng dahil sa social media
Natanto ko na lamang ang mga araw noong ako’y bata pa
Pagmulat ng aking mata , yakap niya sa akin ang aking nakikita
Sa haba ng panahon na ako’y kanyang kinalinga
Ngayon siya ang hinahanap sa tuwing ako’y masaya o lumuluha
Iba pa din ang damdamin idinudulot ng nag iisang ina
Magkalayo man , kalinga nya ang palagi kong nais madama
Isinulat ni Eureka Bianzon Robey
author of mypenandsoul.com