Minsan sa tabi ng karagatan tanaw ko ang araw na sumisilip sa langit
Ramdam ko ang pag asa mula sa liwanag na dulot nito sa aking daigdig
Hampas ng alon na siyang patuloy na dumaramay sa king pananahimik
Ramdam ko tuloy na parang isang kaibigan walang ginawa kundi ang makinig
Dito ramdam ko ang pagpapatawad na nagmumula sa ating Ama na nasa langit
Ramdam ko ang Kanyang tahanan mula liwanag na patuloy Niyang ipinagkakaloob sa ating daigdig
Siya lamang ang sadyang tunay na kasagutan sa ating bawat hiling
Tanging kaibigan na sa kahit anong oras ay handang makinig
Kung ating lamang tatanawin ang bawat sulok nitong daigdig
Buksan ang puso at isipan at Siya sa Ating buhay ay tanggapin
Dumilim man ang kalangitan , ang araw ay muling sisikat sa mula Kanyang piling
Timigil man ang alon, ito’y muling hahampas upang ipadama na hindi ka nag iisa dito sa ating daigdig
mypenandsoul.com
Eureka Bianzon Robey author