“Sa mundong ito hindi ka nag iisa”ni Eureka C.Bianzon

Kung ika’y nalulungkot sa nararamdaman mong kabiguan
Asahan mong ako’y nandirito lang hinding hindi ka iiwan
Wag mo isipin na bawat kasiyahan ay may hangganan
Isipin mo na ang Maykapal ay nariyan at ikaw ay pinagmamasdan

Tama lang na iiyak bawat sakit na nadarama
Hayaan ang pait ay maibsan ng bawat patak ng iyong luha
Huwag mo isipin na sa iyo’y walang matitira
Sapagkat ang Panginoon ang siyang nakaka alam kung ano ang kapalit ng iyong bawat pagdurusa

Sikapin mong kausapin ang iyong pamilya maging malalapit na kaibigan
Hayaan na sila ang makapagpagaan ng iyong dinaramdam
Hindi ka nag iisa sa mundo aking kaibigan
Bawat tao,may mas mabigat na pagsubok na pinagdaraanan

Bigyan mo ng pansin ang bawat bagay na sa iyo’y nakapagpapasaya
Sikapin mong gunitain ang bawat masasayang ala ala
Sa mundong ito hindi ka nag iisa
Nariyan ang Maykapal na nagbibigay ng panibagong pag asa
-mypenandsoul

Leave a comment