“Araw at gabi sa kanya’y iisa” ni Eureka C.Bianzon

Mga matang nakapikit
Tinatahak ang tanging himlayan
Kinakapa ang bawat muwebles
Na gumagabay sa kanyang dinaraanan

Araw at gabi sa kanya’y iisa
Na tanging hapong katawan lamang
Ang makadarama
Na ang buong araw ay tapos na
At kailangang ipahinga

Sa paglalakbay sa daraanang hindi nakikita
Siya lamang ang makapagsasabing
Mapalad ka
Sapagkat bawat bagay sa mundo’y
Nasisilayan ng iyong mga mata

Iyong napagmamasdan at natatahak
ang bawat daraanan ng hindi naaalintala
Bawat pangyayari sa mundo ay saksi ng iyong mga mata
Hindi tulad nya na imahinasyon lamang at kadalasan ay hirap pa

Kung sa iyong paningin bawat bagay ay may kamalian
Gisingin ang sarili buksan ang biyayang ipinagkaloob noong iyong kapanganakan
Bulag na hindi dumaraing nakikita
Ang mundo na puno ng kagandahan
Sapagka’t tanging puso lamang ang ginagamit hindi ang isipang nagsasambit ng kapintasan
-mypenandsoul

Advertisement

2 thoughts on ““Araw at gabi sa kanya’y iisa” ni Eureka C.Bianzon

  1. hi ms. eureka natutuwa po ako basahin ang inyong mga tula, mahilig din po ako magsulat ng mga tula kagaya mo po. sana marami pa po kayo tula magawa nakaka inspired po kasi. Sana po matulungan niyo ako kung paanu makasulat ng magagandang tula. At sana magkaroon po ako ng pagkakataon na mabasa nyo po ang aking tula. maraming salamat po

    1. Maraming maraming salamat sa ibinigay mong apresasyon sa aking mga isinulat, Makakaasa ka na ako’y patuloy na magsusulat pa.
      Nawa’y mabasa ko din ang iyong mga tula,maaari mo itong i email sa akin…mypenandsoul@gmail.com o kaya naman dito sa comment bar…aasahan ko yan ah…hayaan mo maishare ko ang iyong isinulat sa facebook writer’s page ko…maraming salamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s