Pag-ibig namin ay nagsimula sa pagkakaibigan
Walang humpay na asaran at pikunan
Pagdamay sa bawat isa kung may dinaramdam
Pagkakaibigan nauwi sa pag iibigan ng nagdaan
Nakilala ang bawat isa bagama’t magkalayo
Mag kaiba ang oras at ginagalawang mundo
Sa tuwing sya’y gigising yun naman ay hapunan ko
At sa tuwing ako’y patulog naman sya ay nasa trabaho
Ni minsan hindi ko inakala na ako’y iibig sa kanya
Sapagkat siya’y hindi ko napansin noong una
Sa dalawang taon naming bilang magkakilala
Hindi naming inakala na kami pala ay para sa isa’t-isa
May natatawa,may mga humuhusga
Sapagkat kami ay umibig sa paraan ng teknolohiya
Ngunit hindi naman imposible sapagkat aming puso
Iyon ang nadarama
Sabi nga “Nararamdaman ng puso ang
Hindi nakikita ng mga mata”