“Buhay Abroad” ni Eureka C. Bianzon

Buhay abroad lahat gagawin mag iisa

Hindi pwedeng umasa nalang sa tulong ng iba

Sarili ipaglalaba,ipagluluto,lahat kinakaya

Pagod man sa trabaho walang magagawa

 

Buhay abroad lahat kinakaya

Malayo sa pamilya hindi inaanlintala

Maibigay lang ang para sa kanilang kinabukasan

Kahit na malungkot,magtitiis na lang

 

Buhay abroad isang sakripisyo

Na kalimita’y hindi naiintindihan ng iba

Ang nararamdaman mo

Akala ika’y marangya sapagkat malaki

Ang sweldo

Ngunit hindi nila alam ,nagtitiis para mkapagpadala

At maipagkasya ito

 

Buhay abroad sadyang kakaibang karanasan

Malalaman mo ditto ang tunay na hamon ng buhay

Mga tao,bagay man lalo mong pahahalagahan

Lalo na ang pananampalataya sa Diyos na may gabay

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s