Kaysarap mabuhay sa mundo mong kakaiba
Ika’y nakakahanga, simple iba ka sa iba
Manunulat,isa ding simpleng rakista
Iyong iginuguhit tila may hatid na ala ala
Sadyang ako’y humahanga tinatanaw ang iyong mukha
Ngiti mong nakaka aliw,labing mala sutla
Mga matang nangungusap,kaway na nakakahalina
Isa kang mahika sadyang ipinagkaloob ng tadhana
Simple,walang halong pagkukunwari
Kilos bata man kung minsan ito’y nakawiwili
Paano bang ikay hindi hahanapin
Maalala ka lang gusto agad ika’y kausapin
Sarap maging sandalan,hingahan kapag may dinaramdam
Iyong pakikinig sa’kin nakakagaan ng aking kalooban
Sino ba ang hindi makaka alala sa isang tulad mo
Wagas ang kalooban , kapag tumanggap sadyang totoo
ang ganda ng mga composision mo.sana magaya kita.marami akong nakuha na mga idea.
Marami pong salamat ^_^,isang karangalan po na mapansin ang mga isinusulat ko,marami pong salamat ..
tuloy tuloy lang po kayo sa pagsulat,sundin nyo lang po ang inyong nararamdaman ^_^