Mawaring mali ang magpanggap sa sang karangalang hindi
Nararapat
Masukal na paraan ay ginamit upang ito ay makamit at matahak
Subalit may naiwan mga mumunting animo’y mga bakas
Kusang aapaw sapagkat hinihintay lang ang nararapat na bukas
Ang mapabantog sa karangalang hindi nararapat
Na dala ng kasakiman at pansariling instensyon
Ay kawalan ng tiwala buhat sa sinuman
Kahit hindi man marinig ang kanilang reaksyon
Mga tao’y hindi mangmang,sila’y may kani kaniyang
Kaalaman
Hindi nararapat na sila’y balewalain at yurakan
Sapagkat darating ang araw ng bawat bukas
Kanilang malalaman ang mga naiwan mong mga bakas
Ano ba iyong nais na itanaw
Ang mapabantog sa kadiliman kapalit ay iyong ilaw
May hatid na dilim sa mga may panlasang sakim
Ito’y iyong itama hanggat hindi pa nagtatakip silim