Bawat mangingisday hindi alintala ang panganib na nag aabang
Masilayan lamang ang karagatan at sa pamumuhay nitong inilalaan
Marangal na hanapbuhay kanilang ipinamamalas
Tyaga , pasensya, kahit abutin pa ng bukas
Kulambo sa dagat , kanyang hila hila
Lilisanin ang tahanan ng kay aga aga
Sa sikat ng araw kanyang huli ay makikita
Nagtatampisaw, mga puspos na biyaya
Mangingisda saan mang dako ng mundo
Ay may kani kaniyang karanasan at kakaibang kwento
Sa kanilang mga mata ang kalikasan ay nakakahalina
Sapagkat sa kanilang buhay ito’y nagbibigay ginhawa
Bawat isdang nahuhuli karugtong ay buhay
Sa bawat uwing may dala dulot ay sayang walang humpay
Salamat sa Panginoon sa kalikasan na dala ay biyaya
Mangingisda’y tunay na dito’y pinagpapala

very nice. can i share this? its appropriate for one of my photos
yes you may…thank you so much…