Ang kagandahan ay hindi nasusukat sa panlabas na kaanyuan
Matitingkad na alahas o magagarang kasuotan
Ito ay nakikita sa busilak na kalooban
Na ang inspirasyong naibibigay ay tagos sa puso’t isipan
Panlabas na kagandahan ay pansamantalang atraksyon
Na sadyang mawawala pagdating ng panahon
Panlabas na kaanyuan ay pansamantalang hiram
Mabuting kalooban sa sino man ito’y naiiwan
Estado ma’t kayamana’y nawawala,
Kagandahang asal kailan ma’y hindi humuhupa
Lahat ng bagay ay pansamantalang hiram
Ang mapabantog sa kabutihan
Ay mga ala alang tunay na naiiwan